Palasyo

Palasyo pinasinungalingan patungo sa rev-gov si Duterte

National News

KINONTRA ng Palasyo ang alegasyon ni Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa nangyari ngayon sa senador.

Ayon kay Trillanes, patungo na umano sa deklarasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa revolutionary government.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang revolutionary government ay para lamang sa mga lider na walang mandatong konstitusyunal.

“Rev-Gov only for those without constitutional mandate. PRRD was duly elected and hence, constitutional,” ayon kay Roque

Paliwanag ni Roque, ang Pangulong Duterte ay inihalal ng taumbayan at nanalo kaya malinaw na ito ay konstitusyunal.

Ang pahayag ng senador ay bunsod ng pagpapakansela ng chief executive sa amnestiya nito.

Sinabi ni Trillanes na wala nang ibang kauuwian kundi ang diktaturyang pamamalakad sa bansa.

Kapag aniya ay sa sandaling magdeklara ng revolutionary government si Pangulong Duterte,

Binigyang diin naman ni Roque na kahit naman sino ay may karapatang mag avail ng remedyong legal sa mga kinakaharap na kaso.

Kaugnay ito sa pagdulog ni Trillanes sa Korte Suprema sa ginawang pagpapawalang bisa sa kaniyang amnestiya,

Welcome development naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang naging hakbang ni Trillanes kaysa.

Magsayang aniya ito ng panahon sa pagsasalita sa labas ng kanyang tanggapan sa Senado.

“Good to know that he’s going to a court of law rather than blabbering outside,” aniya pa.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *