hindi naaalarma

Speaker Arroyo, hindi naaalarma sa August inflation rate

National News

HINDI naaalarma si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa mabilis na pagpalo ng inflation sa bansa.

Kasunod ito sa 6.4 percent na inflation rate noong Agosto.

Itinuturing ang inflation na pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayong taon.

Kumpiyansa si Arroyo na bababa ito kung masosolusyunan ng gobiyerno ang limang drivers ng inflation.

Partikular aniya ang foreign exchange rate, langis, bigas, isda at karne.

Kinokonsidera ni Arroyo ang pagsasabatas sa rice tariffication para humupa ang inflation.

Nakatakdang makipagpulong ang house lider kay Albay Representative Joey Salceda na nagsilbing Presidential Economic Adviser ni Arroyo noong pangulo pa siya.

Para malaman kung may bagong sanhi ng paggalaw ng presyo sa merkado.

Ipinagmalaki pa ni Arroyo na sa kaniyang administrasyon ay pumalo sa 6.6 percent ang inflation rate.

Subalit naibaba ito sa 1.5 percent sa loob lamang ng tatlong buwan dahil sa massive importation ng bigas.

Kabilang ang pagbili mula sa mga lokal na magsasaka.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *