Task group

Task group binuo kaugnay sa pagpatay sa Ronda mayor

Regional

BUMUO na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Cebu Provincial Police Office (CCPO).

Ang task group ay mag-iimbestiga sa pagkamatay ni Ronda, Cebu Mayor Mariano Blanco.

Kabilang sa tinitingnan anggulo sa pagpatay kay Blanco ang pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Kung saan kasama ito sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, dumipensa naman si Sr. Supt. Manuel Abrugena, provincial director ng CCPO sa hindi agad pagresponde ng Ronda PNP.

Kahit malapit lang ang istasyon ng pulis sa munisipyo kung saan binaril ang alkalde.

Sinabi ni Abrugena na nagsilbi ng warrant of arrest sa ibang lugar ang Ronda PNP.

At aniya ay dalawang pulis lamang umano ang natira sa loob ng himpilan.

Nanawagan naman si Cebu Gov. Hilario Davide III sa PNP na bilisan ang pag-iimbestiga sa kaso ni Blanco para agad na maresolba ito.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *