Gilas Pilipinas

12-man line up ng Gilas Pilipinas, para sa FIBA kinumpirma na

Sports

TINULDUKAN at binigyang liwanag muli ng Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP ang mga kontrobersiyang kinaharap ng national basketball team. (Gilas Pilipinas)

Pagkaraan ng naging kaguluhan sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia Boomers noong July 2 sa Philippine Arena.

Sa naging Twitter post ng SBP ay opisyal na ngang inanunsiyo ang final 12 line-up man ng Gilas Pilipinas.

Sasabak ang mga ito first window sa second round ng FIBA Asia World Cup 2019 qualifiers ngayongHuwebes  Setyembre 13 kontra Iran.

Kasama sa mga napiling lalahok sa qualifyingf round at lumipad na nitong Lunes pa-Iran ay sina Raymond Almazan, Beau Belga, Alex Cabagnot.

Kabilang sina Paul Lee, Poy Erram, Marcio Lassiter, Allein Maliksi,  Gabe Norwood.

Kabilang din sina Ian Sangalang,  Christian Standhardinger, Asi Taulava at Scottie Thompson.

Sa naging pahayag naman ni Coach Yeng Guiao, aniya gusto lamang nito ng magkaroon ng mahigpit na laban kontra sa home court ng kanilang katunggali na Team Iran.

Dagdag pa ni Guiao na huwag lamang maiwan ang Gilas at makalaban lamang sila hanggang huli ay ayos na ito.

Nakatakda namang makaharap ng Gilas Pilipinas ang Team Qatar sa isang close-door game sa Araneta Coliseum sa September 17.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *