cash incentives

Asian Games gold medalist Pinay golfers, hindi tatanggapin ang cash incentives

Sports

NAPAGDESISYUNAN ng mga miyembro ng National Golf Team ng Pilipinas na sina Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go na hindi nila tatanggapin ang mga cash incentives.

Iginawad ang mga ito sa kanila ng gobyerno at private sectors kasunod ng  pagkakasungkit nila ng gintong medalya sa kakatapos lang na Asian Games 2018.

“At present, two of us are actively playing in the National Collegiate Athletic Association (NCAA) in the United States, with the third, soon to follow.”

“We will automatically lose our amateur status the moment we keep these incentives, as well as the opportunity to continue representing the Philippines in the future.”

Anila, ito ay dahil na din para mapanatili ng mga winning Pinay golfers ang kanilang estado bilang mga amateur.

At makalahok pa sa mga susunod na kumpetisyon upang irepresenta ang Pilipinas.

Aktibo din kasing naglalaro sa NCAA ng Amerika sina Go na nirerepresenta ang University of South Carolina.

Habang naglalaro naman para sa University of Arizona si Pagdanganan.

Samantala, napagkasunduan ng tatlo na ibigay nalang sa National Golf Association of the Philippines ang suma total ng kanilang nakukuha.

Kabilang dito ang P9.3 million na makukuha ni Yuka Saso, P2.5 million na cash incentive ni Pagdanganan at P2 million na iginawad kay Go.

Anila, ang naging desisyon nilang i-donate ang cash incentive ay para sumuportahan na din ang mga golf program ng bansa.

Upang makamit din ng mga aspiring golfer ang kanilang mga pangarap.

“We unanimously agreed that if it were possible to donate this money to support the national golf program.”

“And thus help other aspiring golfers reach their goals — this would be the best scenario for us.”

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *