pamilya

Construction firm ng pamilya ni Bong Go, iimbestigahan

National News

ANG naturang resolusyon ay para imbestigahan ang multibillion contracts ng pamilya ni SAP Bong Go sa infrastructure projects ng DPWH.

Inihain na ngayong araw ni Sen. Antonio Trillanes IV ang Senate Resolution 889.

Nais paimbestigahan ng senador in-aid of legislation ang posibleng conflict of interest sa naturang mga government projects.

At kung papaano ito maiiwasan sa mga susunod na government projects.

Nakuha ng CLTG builders na pagmamay-ari ng pamilya ni Go, ang P1.85 billion halaga ng government contracts sa Davao Region.

Base ito sa inilabas na report ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ.

Ang P750 million sa naturang halaga ay nakuha noong 2016-2017, panahon kung saan nagsimula ang Duterte Administration.

Maliban dito, meron ding nakuhang P2.7 billion halaga ng government contracts ang Alfrego Builders.

Ang Alfrego Builders ay pagmamay-ari ng half-brother ni Go sa ilalim ng joint venture contracts.

Posible namang pamunuan ng komite nito ang naturang imbestigasyon o di kaya ng Senate Blue Ribbon Committee.

Magugunita naman na una ng iginiit ni Go na walang anomalya sa mga nakuhang kontrata ng kanyang ama at half-brothers

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *