coliform bacteria

DENR, ipinagmalaki ang pagbaba ng coliform bacteria sa Boracay

National News

IPINAGMALAKI ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumaba na ang coliform bacteria sa white beach ng Isla ng Boracay.

Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na umaabot na lamang sa 8.1 level ng bacteria sa White Beach.

Mas mababa aniya ito kumpara sa 100 hanggang 1,000 level ng coliform bacteria noon bago ang rehabilitasyon ng Boracay.

Ayon kay Cimatu, hindi na nila papayagan na magbukas ang mga hotel na may 50 rooms pataas kung walang sariling water treatment plant.

Upang aniya ay hindi na muling maulit na masira ang karagatan ng isla.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *