Establisamyento

Establisamyento sa environmental compliance sa Bora, bumaba

Regional

BUMABA ang bilang ng mga establisamyento na nakapag-comply ng environmental compliance.

Para sa nalalapit na muling pagbubukas ng Isla ng Boracay.

Sinabi ni Environment Undersecretary Jonas Leones na nasa 180 pa lamang ang full compliance.

Ikinagulat ito ni Senador Cynthia Villar dahil taliwas ito sa naging pahayag noon ng DENR sa pagdinig sa boracay isyu.

Aniya, sinabi noon ng DENR na 30 percent na ang nakapag-comply.

Pero tiniyak ni DENR Secretary Roy Cimatu na bago ang pagbubukas ng isla sa Oktubre 26 ay makakapag-comply na ang lahat.

Tinatayang nasa 2,300 bilang ng establisiyamento sa Boracay.

Duda dito sa Villar, dahil mahigit apatnapung araw na lamang ang nalalabi para sa muling pagbubukas ng Boracay.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *