liderato

Pagkwestyun sa liderato ng minorya sa Kamara, binalewala

National News

LAYUNIN ng kampo ni Fariñas na kwestyunin sa korte ang liderato ng minorya sa Kamara.

Balewala lamang para sa kampo nina House Minority Leader Danilo Suarez ang pag-akyat ng kampo nina dating House Majority Leader Rudy Fariñas sa Korte Suprema.

Ayon kay AKO-Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, miyembro ng minority, walang kinalaman ang Korte Suprema sa mga desisyon ng Kamara sa plenaryo.

Kung kaya walang bisa ang pagdulog ng kampo nina Fariñas sa Kataas-Taasang Hukuman.

Iginiit din umano ni Garbin na si Suarez ang  minority leader na kinikilala ngayon sa Kamara kaya balewala ang hakbang ng kabilang kampo.

Katunayan, sinabi ni Garbin ni si Suarez ang kinikilalang minority leader ng isa sa mga kaalyado ni Fariñas.

Ang naturang kaalyado ay nagpahayag na ng paglipat sa minority group.

Si Lapu-Lapu City Lone District Rep. Aileen Radaza ang sinasabing mambabatas na lilipat na sa kampo nina Suarez sa minority.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *