panalo

Team Spain nakapagtala ng dalawang panalo sa UEFA

Sports

HUMATAW at nagpasiklab agad ang Team Spain matapos makapagtala ng dalawang magkasunod na panalo sa nagpapatuloy na UEFA Nations League.

Nasungkit nila ang unang panalo sa naging laban nito kontra England noong isang linggo at nasundan naman agad ito ng 6-0 victory nitong Martes laban sa Team Croatia.

Sa naging pahayag ni Luis Enrique, bagong coach ng Team Spain, na wala na siyang mahihiling pa bilang bagong coach ng koponan.

Dahil ito sa magandang pagsisimula ng kanilang karera.

I couldn’t have asked for a much better start as coach of Spain’s national team. Two matches, two convincing wins against top opponents in the UEFA Nations League,”ani Enrique.

Samantala, kinokonsidera naman ng team croatia na biggest defeat nila ang naging pagkatalo nito sa team spain mula ng makapasok sila sa world cup final sa russia.

Sa ngayon ay nangunguna na ang Team Spain sa Group 4 ng top-tiered league ang bagong soccer competition ng Europe.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *