martial law

CHR, may babala sa mga biktima ng martial law

National News

NAGBABALA ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga biktima ng martial law noong Administrasyong Marcos na makakatanggap ng kaukulang danyos.

Ayon sa CHR, sarado na ang tanggapan ng Human Rights Claims Board (HRVCB) at hindi na sila tumatanggap ng aplikasyon.

Kasunod ito ng ulat na may grupong nananamantala na nagso-solicit umano ng P10, 000.

Kinokolekta ang halaga sa mga biktimang hindi naaprubahan ang aplikasyon kapalit ng bagong claims application.

Nilinaw ni dating HRVCB Chairperson Lina Sarmiento na naibalik na sa isang trust fund sa Landbank at wala ng sobrang pera.

Ayon sa HRVCB, nasa higit 11,000 ang mga naaprubahan aplikasyon mula sa halos 76,000 na nag-apply para sa claims.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *