nais matiyak

DOJ, nais matiyak na hindi lalabas ng bansa si Trillanes

National News

NAIS matiyak ng Department of Justice na hindi makakalabas ng bansa si Senador Antonio Trillanes IV.

Kasunod ito ng pasya ng Makati City Regional Trial Court Branch 148 na pasagutin sa loob ng sampung araw si Trillanes.

Kaugnay sa hirit ng DOJ na maglabas ng warrant of arrest at hold departure order laban sa senador.

Nangangamba si Justice Sec. Menardo Guevarra na baka makalabas sa bansa si Trillanes.

Dahil hindi naglabas ang korte ng kahit HDO man lamang laban sa senador.

Sa halip binigyan lang si Trillanes ng sampung araw para magsumite ng supplemental comment sa mosyon ng DOJ.

Habang limang araw naman sa justice department para maghain ng tugon.

Nakatakda namang dinggin bukas ng Makati RTC Branch 150 ang kaparehong mosyon ng DOJ laban kay Trillanes.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *