inflation rate

EO ni Duterte sa agri products magpapababa ng inflation rate  

National News

NANINIWALA si Albay Rep. Joey Salceda na malaki ang maitutulong sa pagbaba ng inflation rate ang Executice Order ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito sa nakatakdang pagpapalabas ni Pangulong Duterte ng EO para sa pag-aangkat ng bigas, karne, asukal at gulay.

Maaaring bumaba sa 6.1 percent ngayong Setyembre ang inflation mula sa 6.4 percent na naitala noong Agosto ayon kay Salceda.

Kung aniya ay agad na maipapatupad ang naturang kautusan ng pangulo.

Sinabi ni Salceda na maisasaayos din nito ang umano’y hindi pagkakasundo sa pagitan ng National Food Authority (NFA) Council at NFA.

Samantala, tutol naman ang Makabayan Bloc ng Kamara sa nakatakdang paglalabas ng EO ni Pangulong Duterte.

Duda ang grupo na makakatulong ang kautusan ng pangulo sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Anila, hindi mapoprotektahan ng EO ang mga lokal na magsasaka.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *