Jerwin Ancajas

Jerwin Ancajas, dedepensahan ang kanyang titulo

Sports

AGAD na sasabak sa ring si Super Flyweight champion Jerwin Ancajas upang depensahan ang kaniyang ika-anim na titulo.

Matapos na magtagumpay ang laban ni Ancajas noong Mayo kontra kay Jonas Sultan.

Sa September 29, nakatakdang harapin ni Ancajas si Alejandro Santiago Barrios ng Mexico sa Oracle Arena sa Oakland, California.

Sa naging mensahe naman ng coach ni Ancajas na si Joven Jimenez na gusto nilang ipakita ang isang improved boxer na Ancajas.

Nais ng coach na magpapakita ng aggressiveness at explosiveness sa kaniyang magiging laban ang boksingero.

Wala nu’ng nakaraan ‘yung explosiveness niya,” pag-amin ni Jimenez.

“So iyon ang gusto naming maipakita niya Ngayon. ‘Yung aggressiveness niya nu’ng nakaraan kulang din.”

Kaya naman grabe ang naging adjustment ng training ngayon ni Ancajas na bantay sarado ang kondisyon ng kaniyang katawan.

Sabi pa ni Coach Jimenez na hindi magiging edge ni Ancajas ang height difference nila ni Santiago

Dahil na maituturing na ‘Total Boxer’ ang mga Tijuana native.

Si Santiago na 5’2 at mas maliit kumpara kay Ancajas ay hindi magiging edge ng Pinoy boxer.

Dahil ang Tijuana native ay isang “complete boxer.”

“P’wede kasi siya sa loob at labas. Hindi siya pasok ng pasok lang. So mahirap din na kalaban ‘yun kasi mahirap din siyang tamaan.”

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *