arrest warrant

Makati RTC, hindi naglabas ng arrest warrant at HDO kay Trillanes

National News

HINDI pa rin nagpalabas ng arrest warrant at Hold Departure Order (HDO) ang Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos bawiin ang ipinagkaloob na amnestiya sa senador dahil sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege.

Sa pagdinig, hiniling ng abugado ni Trillanes na si Reynaldo Robles na bigyan sila ng sampung araw.

Para makapagsumite ng rejoinder at supplemental comment sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) na pinagbigyan naman ng korte.

Limang araw naman ang ibinigay ng korte sa DOJ para tumugon sa ihahaing supplemental comment ng kampo ng senador.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *