coastal areas

Paglikas ng mga residente sa coastal areas sa Cagayan ipinatupad

Regional

IPINATUPAD na ang sapilitang paglilikas sa mga residente sa ilang coastal areas sa Santa Ana, Cagayan dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ompong.

Kinabibilangan ito ng mga barangay ng Palawig, Rapuli, San Vicente, Tangatan at Casambalangan.

Una nang nagbabala ang Pagasa na magdudulot ng malakas na ulan, hangin at storm surges ang bagyo sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR) simula ngayong araw ng Biyernes at sa Sabado naman sa Northern Luzon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *