General Santos City

8 sugatan sa pagsabog sa General Santos City

Regional

WALO ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Barangay Apopong, General Santos City, kahapon.

Ayon sa ulat, nagtamo ng minor injury ang mga biktima sa pagsabog ng isang maliit na Improvise Explosive Device (IED).

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang pagsabog sa harap isang karenderia kung saan iniwan ang bag ng dalawang sakay ng isang motorsiklo.

Naniniwala ang mga otoridad na pananakot lang ang ginawang pagpapasabog.

Patuloy na inaalam ng pulisya kung sino at anong grupo ang nasa likod ng insidente.

Mariing kinondena ng Malakanyang ang nangyaring pagpapasabog sa General Santos City kung saan walo ang nasugatan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi maganda ang timing ng pagpapasabog na itinaon pa sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

Nangyari din ang pagsabog sa gitna ng ipinatutupad na martial law sa buong Mindanao.

Samantala, ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga otoridad ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *