Peter Lim

Pamahalaan, may P500K reward para sa ikadarakip ni Peter Lim

National News

MAGLALAAN ang pamahalaan ng P500k reward para sa ikadarakip ng itinuturing na big time drug lord na si Peter Lim.

Ito ang pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra kasunod ng hindi pagsipot sa korte ni Lim.

Sinabi ni Guevarra na itinuturing nang pugante si Lim dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig kaugnay sa kasong iligal na droga.

Isinampa ang naturang kaso ng Philippine National Police (PNP) sa Makati City Regional Trial Court (RTC).

Nagbabala din si Guevarra sa sinumang coddler o nagtatago kay Lim na maaaring makasuhan ng obstruction of justice.

Bukod kay Lim, kasama rin sa mga akusado sina Kerwin Espinosa, Ruel Malindangan, Marcelo Adorco, Peter Co at Lovely Impal.

Kinasuhan ang mga ito ng two counts of conspiracy to commit illegal drug trade sa Manila RTC at Makati RTC.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *