Cavite

Cavite, mayroon ng 8 legislative districts

National News

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na gagawing walong legislative districts ang Cavite.

Batay sa Republic Act 11069 na pinirmahan ni Duterte noong Setyembre 14, kabilang sa District 1 ang Cavite City, Kawit, Noveleta at Rosario.

Second district ang Bacoor City; third district ang Imus City at fourth district ang Dasmarinas City.

Ikalimang distrito ang Carmona, General Mariano Alvarez at Silang; ikaanim na distrito ang General Trias City at ikapitong distrito ang Trece Martires City, Indang, Tanza at Amadeo.

Habang ika-walong distrito ang Tagaytay City, Alfonso, General Aguinaldo, Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic at Ternate.

Nakasaad sa batas na ang mga kasalukuyang kinatawan ng ika-6 at ika-pitong distrito ay patuloy na kakatawan sa kanilang mga distrito.

Maliban na lamang kung maihalal ang mga bagong kinatawan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *