Midsayap

Hepe ng Midsayap, North Cotabato at General Santos City, sinibak

National News

SINIBAK na ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang mga chief of police ng Midsayap, North Cotabato at General Santos City.

Kaugnay ito ng mga naitalang insidente ng pagsabog sa kanilang lugar nitong araw ng linggo.

Ayon kay Albayalde, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) pa rin ang kanilang pinaniniwalaang nasa likod ng mga pagpapasabog.

Matatandaang pito ang nasugatan sa pagsabog sa Gensan habang wala naman naitalang sugatan sa Midsayap.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *