Itogon

Nasawi sa pagguho ng lupa sa Itogon, Benguet nadagdagan pa

National News

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga patay sa pagguho ng lupa sa bahagi ng Itogon, Benguet.

Sa pinakahuling tala, umabot na sa 40 ang bilang ng kumpirmadong patay kabilang ang 34 na minero.

Ang naturang mga minero ay natabunan ng gumuhong bundok ang bunkhouse sa Barangay Ucab at isa rin sa Barangay Loacan.

Aminado si Itogon Mayor Victorio Palangdan na pahirapan ang isinasagawang retrieval operation dahil manu-mano ang ginagawa ng mga rescuer.

Sa ngayon patuloy ang retrieval operation ng mga otoridad sa higit 50 pang nawawala matapos matabunan ng gumuhong lupa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *