Cainta

Apat na bagong ICUs, pinasinayaan sa Cainta Municipal Hospital

Regional

MALAKING tulong para sa mga taga Cainta, Rizal ang bagong intensive care units na pinasinayaan kamakailan.

Pinangunahan ni Cainta Mayor Atty. Keith Nieto ang pagpapasinaya sa apat na intensive care units.

Matatagpuan ang mga naturang units sa 3rd floor ng Cainta Municipal Hospital.

Libreng magagamit ng mga residente ng Cainta na nangangailangan ng atensyong medikal ang naturang pasilidad.

Umani naman ng papuri mula sa mga taga-Cainta ang naturang hakbang bagay na di umano nila inaakalang manyayari.

Umaasa naman ang alkalde kasama ang buong Cainta government na makakatulong ito ng lubos sa kanilang kababayan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *