Peter Lim

Peter Lim, hindi pa nakakalabas ng bansa – DOJ

National News

TINIYAK ng Department of Justice na hindi pa nakakalabas ng bansa ang itinuturong drug lord na si Peter Lim.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, wala pang rekord na nagpapatunay na nakalabas na sa bansa si Lim.

Base sa rekord ng Bureau of Immigration (BI), umalis ng bansa si Lim noong Marso at bumalik ito matapos ang apat na araw.

Mula umano noon ay walang rekord na muling umalis ng bansa si Lim.

Una nang naglaan ang pamahalaan ng P500, 000 na pabuya para sa ikadarakip ni Lim.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *