Footballer Star

Footballer Star Cristiano Ronaldo, napatawan ng red card

Sports

NAPATAWAN ang footballer star na si Cristiano Ronaldo sa unang pagkakataon ng red card.

Sa naging 1st champion league appearance nito pagkaraang lumipat sa Juventus.

Matapos ang humigit kumulang na 154 matches na nailaro ng footballer star.

Kalahating oras lamang ang itinagal ng naging laro ni Ronaldo sa match-game nito kontra Valencia sa Group G.

Ayon sa lumabas na pahayag, napalabas ng field si Ronaldo dahil sa paghatak nito ng buhok ng isa sa kanilang katunggali.

Napalabas man ang record scorer na si Ronaldo ay nagawa pa din namang maitawid at maipanalo ng Juventus ang kanilang match.

Nag-score ang Juventus ng 2-0 via 2 penalties.

Maaaring hindi pa makabalik at makalaro sa match si Ronaldo kontra Manchester United sa higit dalawang buwan dahil sa pagka-ban.

Si Ronaldo ay nakapag-set na ng 121 goals.

Matatandaang kakalipat lamang ni Cristiano Ronaldo sa Juventus nitong July na may 100M euro contract deal.

 ULAT NI JAO GREGORIO 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *