Missing in action

Missing in action na Alkalde sa kasagsagan ng bagyo, nadagdagan

National News

NADAGDAGAN pa ng anim ang bilang ng mga Alkalde na iniimbestigahan dahil sa umano’y missing in action.

Sa kasagsagan ito ng paghagupit ng Bagyong Ompong.

Binigyan nila ng limang araw ang labing anim na mayor para ipaliwanag ang kanilang panig.

Ayon ito kay Interior Undersecretary for Peace and Order Bernardo Florece Jr.

Sinabi ni Florece na kanilang dedeterminahin kung makatwiran ang dahilan ng mga iniimbestigahang alkalde.

At kung hindi ay sasampahan nila ito ng reklamo sa Sangguniang Panlalawigan o sa Office of the Ombudsman.

Papangalanan aniya ang mga local chief executive kapag narinig na ang kanilang paliwanag kung bakit absent sila sa gitna ng pananalasa ng bagyo.

Paliwanag ni Florece, inatasan ng DILG ang lahat ng mayor na manatili sa kanilang nasasakupan sa kasagsagan ng pagbayo ni Ompong.

Una nang sinabi ng DILG na sampung alkalde ang kanilang iniimbestigahan dahil sa pagiging absent noong manalasa ang bagyo.

Karamihan sa mga naturang alkalde ay mula Cagayan at Cordillera Regions

Malakanyang, mabibigyan ng due process ang naturang mga alkade

Tinyak naman ng Malakanyang na mabibigyan ng due process ang naturang mga alkade na iniimbestigahan ng DILG.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bibigyan ng pagkakataon ang mga mayor na ipaliwanag ang kanilang pagliban.

Sa panahon nang manalasa ang bagyo sa kanilang nasasakupan.

Gaya ng DILG ay hindi rin pinangalanan ni Roque ang mga iniimbestigahang alkalde.

Una ng sinabi ng Presidential spokesman na dapat sibakin sa pwesto ang mga mayor na absent sa gitna ng paghagupit ni Ompong.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *