landslide

Nasawi sa landslide sa Naga City, Cebu, nasa 22 na

National News

UMAKYAT na sa dalawampu’t dalawa ang narekober na bangkay sa landslide sa Sitio Sindulan, Barangay Tinaan sa Naga City, Cebu.

Sa nagpapatuloy na search and recovery operations, nakuha ang katawan ng labing isang taong gulang na batang babae.

Sa ngayon, nasa siyam ang nailigtas sa insidente habang patuloy na pinaghahanap ang mahigit pitumpung iba pa.

Nanatili pa rin sa mga evacuation center ang mahigit limandaang pamilya na apektado ng pagguho ng lupa.

Nasawi sa landslide, umabot na sa tatlumpu’t isa ang nahukay sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet.

Samantala, umabot na sa tatlumpu’t isa ang nahukay na labi sa naganap na landslide sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet.

Dalawa pang bangkay ngayong araw ang nakarekober sa nagpapatuloy na search and recovery operations.

Posible namang madagdagan pa ang naturang bilang ngayong nasa lugar na ang isang backhoe na tumutulong sa paghahanap sa nasa apatnapu pang nawawala.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *