emergency powers

Pang. Duterte, hindi na igiit ang emergency powers sa EDSA

National News

HINDI na hihingi ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para bigyang solusyon ang matinding trapik sa Metro Manila.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang pagdudahan siya at ikonekta ang emergency powers sa isyu ng korapsyon.

Iginiit ng pangulo na kung pagsususpetsahan lang siya ay huwag na lang ibigay sa kaniya ang nasabing kapangyarihan.

Ibinigay ang naturang kapangyarihan kina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Cory Aquino.

Ayon kay Duterte, hindi niya kailangan ang dagdag kapangyarihan kung ayaw ng Kongreso.

Aniya, hahayaan na lang niya kung ano ang sitwasyon sa kasalukuyan ng EDSA hanggang sa susunod pang dalawampung taon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *