Relocation site

Relocation site sa mga residente ng Itogon, Benguet, nakahanda na

Regional

MAY relocation site na para sa mga residente sa mga bulubunduking lugar sa bayan ng Itogon, Benguet.

Ayon sa Office of Civil Defense-Cordillera Administrative Region (OCD-CAR), may mga pag-uusap na kaugnay sa permanenteng paglipat ng mga pamilya sa lugar.

Kasunod ng pagguho ng lupa na ikinasawi ng mga minero sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Ompong.

Hindi naman tinukoy ni Carandang ang eksaktong lokasyon nito subalit pupulungin ang mga residente para talakayin ang kanilang relokasyon.

Pangunahan ang pagpupulong nina Benguet Governor Crescencio Pacalso at Itogon, Benguet Mayor Victorio Palangdan.

Sa ngayon aniya ay mananatili muna ang mga residente sa mga evacuation center malayo sa bundok.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *