dinalaw

Duterte, dinalaw ang mga biktima sa Naga City landslide

National News

DINALAW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng landslide sa Naga City, Cebu.

Nakita ng pangulo ang kondisyon ng nasa 400 pamilya sa evacuation center sa Enan Chiong Activity Center.

Biktima ang naturang mga pamilya ng pagguho ng lupa sa Sitio Sindulan, Barangay Tinaan.

Ayon sa pangulo, ipatitigil na niya ang mining at quarrying sa lugar upang hindi na maulit ang nangyari.

Tiniyak din ni Duterte na tutulong ang gobiyerno sa medikal para sa pagpapagamot ng mga nasugatan.

Burial expenses naman para sa mga namatay sa insidente.

Nangako rin ang pangulo na ire-relocate ang mga apektadong pamilya sa mas ligtas na lugar.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *