engkwentro

Ilang sundalo at NPA, sugatan sa engkwentro sa Quezon

Regional

DALAWANG sundalo at hindi mabilang na mga rebeldeng News People’s Army ang sugatan sa isang engkwentro.

Naganap ang naturang engkuwentro sa Sitio Aak Malaki, Barangay Vista Hermosa, Quezon.

Ayon sa 85th Infantry Battalion, nangyari ang sagupaan habang nagsasagawa ng combat at clearing operations ang mga sundalo sa lugar.

Sa pahayag ni 2nd Infantry Division spokesperson Cpt. Patrick Jay Retumban, tumagal ng limang minuto ang putukan ng magkabilang panig.

Nag-ooperate sa quezon ang naturang grupo ng mga NPA na nakasagupa ng Philippine Army.

Ayon ito kay Retumban, mga miyembro ng Platoon 2, Guerrilla Unit 2, Sub-Regional Military Area (SRMA) of the Southern Tagalog Regional Party Committee.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *