Itogon

Mga bangkay sa Itogon landslide, nadagdagan pa

National News

UMAKYAT na sa 44 ang bilang ng mga namatay sa landslide sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 74 ang nasawi mula sa lalawigan dahil sa Bagyong Ompong.

Sampu sa nasabing mga narekober na bangkay ay hindi pa rin nakikilala.

Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, patuloy ang retrieval operations sa lugar gamit ang apat na backhoe.

Para mahukay ang nasa 39 pang nawawala na posibleng natabunan ng gumuhong lupa.

Sa tala ng PNP, umaabot na sa 94 ang bilang ng namatay sa buong lalawigan ng Cordillera Region.

Kung saan labing tatlo ang mula sa Baguio City, anim na Mountain Province at isa sa Kalinga Province.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *