Naga City, Cebu

Narekober na bangkay sa landslide sa Naga City, Cebu, 51 na

National News

UMAKYAT na sa limampu’t isa ang narekober na bangkay sa landslide sa Naga City, Cebu.

Sa nagpapatuloy na isinasagawang search, rescue and retrieval operations.

Ayon kay Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Baltazar Tribulano, 43 pa ang kanilang pinaghahanap.

Habang nanatili sa mga evacuation center ang mahigit 4, 000 indibidwal.

Pero posible pa aniya itong tumaas matapos ipag-utos ni Environment Secretary Roy Cimatu ang forced evacuation sa mga residente.

Mula sa loob ng 1-kilometer radius kung saan nangyari ang landslide.

Sinabi ni Tribulano na pinag-aaralan pa ng DENR- Mines and Geosciences Bureau (MGB) kung sino ang maaaring bumalik at hindi na maaaring bumalik sa lugar.

Samantala, hindi kailanman idineklara ang mga eksperto na landslide prone area naturang lugar ayon kay Naga City Mayor Kristine Vanessa Chiong.

Sinabi ni Chiong na nag-isyu rin sila ng clearance kung saan maaring ituloy ang quarry activities dahil maayos naman ang lugar.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *