Philippine National Railways

Philippine National Railways (PNR), malaking kabawasan sa trapiko sa Metro Manila

Metro News

PATULOY na isinusulong ni Senador JV Ejercito ang modernisasyon ng Philippine National Railways bilang alternatibong transportasyon.

Kamakailan ay personal na sumakay si Ejercito sa PNR Tutuban Station.

At dito nya nakita ang potensyal nitong makatulong sa pagbabawas ng trapiko sa Metro Manila.

“Noticed a lot of passengers patronizing the new line from Caloocan to Makati only problem is the lack of trains, which makes waiting time very long,” aniya.

“We just need to add more trains, and people will start using PNR again,” dagdag niya.

Malinis, safe, at fully airconditioned, ang PNR ay may byahe mula Tutuban hanggang Bicol.

Dito sa Maynila, sa halagang P30 ay tiyak na magiging mas komportable ang byahe mo mula Tutuban hanggang sa Alabang.

Ayon kay Ejercito, 40 years bago nagkaroon ng bagong train set ang PNR.

Mula sa tatlong P3B budget nong 2017 ay nakabili ng pitong bagong train sets.

Ayon kay Ejercito, vice chair ng Committee on Budget sa Senado, nais nitong makakuha ng P3B.

Mula sa kontrobersyal na P55B budget insertion sa 2019 General Appropriations Act para sa pagbili ng karagdagang tren.

Sa pamamagitan aniya nito ay madodoble o mati-triple pa ang kapasidad ng PNR.

Mula sa limampung libong tao kada araw hanggang isang daan at limampung libo.

“Railway is the only way!”pagdidiin ni Ejercito.

“Let’s help modernize PNR while we await for the PNR North, PNR South Lines, Metro Manila Subway, Mindanao Railways to materialize.”

Magugunita naman na nito lamang mga nakalipas na buwan ay muling bumiyahe ang PNR.

Sa mga istasyon nito sa Caloocan-Makati Line matapos ang dalawampung taon.

Ulat ni Troy Gomez

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *