Tanzania

Pilipinas, nagpaabot ng pakikiramay sa trahedya sa Tanzania

International News

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa gobiyerno ng Tanzania.

Kaugnay ito sa pagkamatay ng mahigit isandaang katao sa ferry tragedy sa Lake Victoria.

Umaasa ang DFA na may buhay pang matatagpuan ang mga rescuers.

Ayon kay Ambassador to Kenya Norman Garibay, patuloy na minomonitor ng Philippine Embassy sa Nairobi ang inilunsad na search and rescue operations.

Tiniyak din ni Garibay na wala pang natatanggap na report ang embahada kung may Pilipinong kabilang sa mga nasawi sa insidente.

Samantala, minomonitor din ngayon ng DFA ang sitwasyon sa Iran.

Shooting incident sa isang military parade sa Ahvaz, Iran.

Kasunod ng naitalang shooting incident sa isang military parade sa Ahvaz, Iran.

Sa report ng mga otoridad sa Iran, umaabot sa 25 ang kumpirmadong namatay kabilang ang 12 revolutionary guards.

Habang hindi naman bababa sa 70 katao ang sugatan.

Hinala ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na ang US-backed Gulf Arab States ang nasa likod ng insidente.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *