muling pagbubukas

Boracay workers, nangangamba sa muling pagbubukas ng Isla

National News

NANGANGAMBA ang mga manggagawa sa Boracay sa manipis na oportunidad sa muling pagbubukas nito sa Oktubre 26.

Ayon sa grupong “We Are Boracay,” kakaunti lamang ang bilang ng mga establisyemento na magbubukas sa soft opening ng isla.

Dahilan ito sa ipinatutupad na environmental compliant.

Dahil dito, kaunting oportunidad lang din ang magbubukas para sa manggagawa sa Boracay.

Kabilang sa mga ito ang vendor, tour guide, masahista, at tricycle drivers.

Pinuna ng grupo ang hindi sapat na cash for work at mga programa ng DSWD para sa mga displaced workers.

Una ng sinabi ni Environment Sec. Roy Cimatu na first phase pa lang ang rehabilitasyon na matatapos sa Oktubre.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *