senatorial slate

First batch ng LP senatorial slate, isinapubliko na

National News

OPISYAL nang isinapubliko ng Partido Liberal ang unang batch na bubuo sa kanilang senatorial slate.

Mismong si VP Leni Robredo ang nanguna sa presentasyon ng kanilang kandidato.

Kabilang sa mga pinangalanan ang incumbent senator na si Bam Aquino, Erin Tañada at former College of Law Dean Prof. Jose Manuel Diokno.

Tiniyak ng partido na dumaan sa masusing pag-aaral at konsiderasyon ang pagpili sa mga ilalaban nitong kandidato para sa 2019 midterm elections.

Sa kabila naman ng kawalan ng pondo ay sinabi ni Robredo na sisikapin nitong maitawid sa publiko ang mga adhikain.

Partikular na ang umanoy problema ng pamumuno ni President Duterte sa isyu ng kahirapan, EJK, illegal drugs at pang aabuso sa kapangyarihan.

Sa mismong okasyon na rin personal na hiningi ni Robredo ang suporta ng lahat.

Dahil sa aniyay maliit nilang bilang pero hindi sila susuko sa paglabag sa kanilang karapatan.

Sa October 8 inaasahang ilalabas ng partido ang buong hanay ng 2019 Midterm Elections Senatorial Slate ng Liberal Party.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *