Last leg ng The Palawan Variety Show, mainit na sinalubong

Metro News

PARA sa last leg ng The Palawan Variety Show, ay dinala ang roadshow sa pinakamataong lugar sa bansa – ang Metro Manila.

ang nasaksihan ng ating mga kababayan sa The Palawan Roadshow Show nitong weekend.

Ginanap ang kompetisyon sa Barangay Sucat Muntinlupa City.

Ito ay matapos nagkatagpo ng landas ang sampu sa pinakamagagaling na mang-aawit sa Metro Manila para sa singing showdown.

Lahat sila ay nagpasiklaban ng kanilang talento sa pagkanta makamit lamang ang pinakamataaas na titulo.

Lahat sila ay magagaling, lahat ay may ibubuga ngunit sa weekly grand final ay iisa lamang ang tatanghalin bilang grand winner.

Liban sa singing showdown ay sentro din ng palakpakan at saya ang ibat-ibang surpresa na handog ng The Palawan Variety sa bawat binibisita nitong lugar.

Kabilang dito ang natatanging performance ng Reyes Acrobats, ang inaabangang appearance ng brand ambassador na sina Benjie at Andre Paras.

Maging ang tagisan ng talino sa pera o bayong at marami pang iba.

Ang The Palawan Variety Show ay binuo ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala.

Ito ay bilang pasasalamat sa ating mga kababayang patuloy na tumatanggkilik sa kanilang serbisyo.

Umikot na ang nasabing roadshow sa siyam na probinya sa Central at North Luzon.

Binisita na rin nito ang Quezon, Batangas, Cavite, at Laguna.

Ulat ni Patrick Sanchez 

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *