Narekober

Narekober na bangkay sa landslide sa Itogon, Benguet, nasa 60 na

National News

UMAKYAT na sa animnapu ang narekober na bangkay sa landslide sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet.

Sa isinasagawang search, rescue at retrieval operation, tatlo pang bangkay ang nakuha ng mga otoridad.

Ayon sa mga rescuer, buo pa ang nakuhang katawan pero nasa decomposition stage na ito.

Patuloy na pinaghahanap ang nasa sampu pang nawawala.

Samantala, natunton na ng mga rescuer ang main portal o entrance sa mga tunnel na natabunan ng landslide sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet.

Ayon kay Office of Civil Defense-Cordillera Administrative Region Director Ruben Carandang, papasukin ng mga tauhan ng Philex Mining ang tunnel.

Para aniya maghanap ng posibleng survivor sa loob nito.

Nagdeploy rin aniya ng K9 units sa main portal para alamin kung mayroon pang natitirang buhay sa loob ng mga tunnel.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *