Pia Wurtzbach

Pia Wurtzbach, first ever Filipino na nagkaroon ng wax figure

Showbiz

INANUNSYO ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach via Instagram na siya ay magkakaroon ng wax figure.

Itatayo ito sa isang popular na museum sa Hong Kong, ang Madame Tussauds.

Excited si Pia na maging bahagi ng naturang museum kasama ang ilang mga sikat na idols at celebrities.

Ayon sa kanyang Instagram post caption, sinabi ni Pia na siya ay magre-reside na sa Hong Kong, o ang kanyang wax figure.

Tinanaw ito ni Pia bilang isang birthday treat matapos niyang i-celebrate ang kanyang ika-29th birthday kahapon.

Ang wax figure ni Pia ay kabilang sa ‘The greatest icons from around the word throughout history’ na lineup para sa taong 2019.

Ipinahayag ito ng Madame Tussauds Hong Kong.

Si Pia naman ang kauna-unahang Pinay na magkakaroon ng wax figure sa naturang museum.

Ulat ni Sam Gutierrez

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *