FIBA 3x3 U23 World Cup

Team Philippines, may final line-up na para sa FIBA 3×3 U23 World Cup 

Sports

NAGLABAS na ng final line-up of roster ang Philippine National Team na lalahok sa nalalapit na FIBA 3×3 U23 World Cup.

Gaganapin ito sa Xi’an China at magsisimula na sa October 3 hanggang 7.

Mula sa 11 pool of players ay napili at napagdesisyunan ng head coach na si Ronnie Magsanoc ang ipapadala na mga players.

Kabilang dito sina Ricci Rivero, Jeepy Faundo, RJ Abarrientos at Rhayyan Amsali.

Ang Team Philippines ay nasa rank 19 mula sa 20 teams.

Nakatakdang maglaro ang koponan sa Group C ng pool stage kasama ang bansang Slovenia, Turkmenistan, China at Serbia.

Aabante naman sa quarterfinals ang 2 team na mangunguna sa bawat pool stage.

Sa ngayon ay puspusan ang practice at training ng national team bago lumipad pa China sa October 2.

Unang makakaharap ng Team Philippines ang Serbia at Slovenia sa October 3.

Habang makakatunggali naman nila ang Turkmenistan at China sa October 5.

Ulat ni Jao Gregorio

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *