Kamara

Kawani ng BOC, nagisa sa Kamara

National News

SA ikatlong pagdinig ng Kamara sa P6.8 billion na drug shipment ay nagisa si Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.

Matapos itong umamin na tumantanggap ito ng komisyon mula sa mga consignee para makalusot ang kanilang mga kargamento sa bansa.

Ang pag-amin na ito ni Guban ay ginawa niya sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs.

Kaugnay sa isyu ng mga nakalusot na iligal sa droga sa BOC o iyong mga magnetic lifters na naglalaman umano ng P6.8 billion na iligal na droga sa Cavite.

Kabilang ang magnetic lifters na natagpuan sa Manila International Container Port na aabot sa P4.3 billion.

Ayon kay Guban, nakakatanggap sila ng komisyon mula sa kanilang mga nakukuhang consignee.

Ginagamit umano nila ang komisyon sa paglalakad ng mga dokumento para sa mga shipment.

Partikular na tumanggap si Guban ng komisyon sa kumpanyang SMYD na aabot sa P10, 000 hanggang P15, 000.

Ang SMYD ang itinuturong consignee sa mga magnetic lifters na natagpuan sa Cavite at sa MICP.

Aminado din si Guban na matagal ng nangyayari ang ganitong iregular na sistema sa BOC.

Pero, nangatwiran si Guban na ang gawain nilang ito tulad ng pagtanggap ng komisyon ay bahagi lamang ng kanilang intelligence operation.

Hiningi naman ng mga kongresista ang listahan at pangalan ng mga consignee-for-hire ng BOC.

Kung hindi ilalabas ni Guban ang listahan ng mga consignee-for-hire hanggang sa Lunes ay nagbanta ang mga mambabatas na ipapa-contempt ito.

Dahil dito, mas lalo pang nakumbinsi si Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers na may mga sindikato rin ng droga

Sa loob mismo ng BOC, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).

Ulat ni Mj Mondejar

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *