kinumpirma

PDEA, kinumpirma na may itinayong shabu lab sa bansa

National News

KINUMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagtatayo ng shabu laboratory sa bansa.

Ito ang pahayag ni PDEA Director Aaron Aquino matapos maaresto ang limang Hong Kong nationals.

Kasabay ito nang matunton ang isang shabu laboratory sa Pasay City.

Ayon kay Aquino, mas pinili ng mga drug syndicate na magtayo ng shabu laboratory sa Pilipinas.

Dahil sa kawalan ng parusang kamatayan at sobrang korapsyon ng mga otoridad na madaling suhulan.

Dismayado rin si Aquino sa patuloy na pagpapasok sa bansa ng mga dayuhan na may nakabinbing kaso kaugnay ng iligal na droga.

Iginiit ng opisyal na ang dahilan nito ang kawalan ng koordinasyon ng mga lokal na ahensiya sa mga dayuhang ahensya.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *