Extrajudicial killings

Extrajudicial killings lang ang kasalanan ko – Pang. Duterte

National News

ITO ang naging pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap nito sa oath-taking ng New Career Executive Service Officers. (Extrajudicial killings)

Ginanap ang naturang oath-taking kahapon sa Malakanyang.

Kasabay nito, binanatan ng pangulo si Senador Kiko Pangilinan sa pagdami ng mga menor de edad na nasasangkot sa krimen.

Dahil sa Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice Welfare Act of 2006.

Ayon sa batas kungsaan si Pangilinan ang author, ay hindi maaaring papanagutin ang mga nasa edad kinse pababa sa batas.

Ayon sa pangulo dahil dito ay nawala na sa mga kabataan ngayon ang sense of accountability.

Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na pinag-aaralan na ngayong ng ilang senador ang pag-amyendahan sa naturang batas.

Kung magugunita, ilang mga menor de edad na ang napapabalitang nasasangkot sa krimen.

At paggamit ng iligal na droga ngunit hindi na papanagot sa batas.

Dahil sa sakop ang mga ito sa Juvenile Justice Welfare Act.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *