wage adjustment

P320 na wage adjustment sa mga manggagawa sa NCR, pag-aaralan

Metro News

PINAG-aaralan ng National Wages and Productivity Board ang hinihinging P320 na wage adjustment sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na malabong maibigay ang hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa.

Una nang naghain ng petisyon sa DOLE ang mga manggagawa na humihingi ng dagdag na P320 na sweldo kada araw.

Ayon kay Bello maaaring magdulot ito ng negatibong epekto gaya ng pagbagsak o pagsasara ng mga kompanya.

Iginiit ni Bello na hanggang P20 lang kada araw ang pwedeng itaas sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *