Search and retrieval operation

Search and retrieval operation sa Naga City, Cebu, tatapusin na.

National News

MATAPOS ang isang linggong paghahanap, tatapusin na ng mga rescuers ang pagsasagawa ng search and retrieval operation.

Kasunod ito sa nangyaring landslide sa Barangay Tinaan, Naga City, Cebu nakaraang linggo.

Target nilang tapusin bukas, araw ng Sabado, ang paghahanap sa mga nawawalang biktima na natabunan ng gumuhong lupa.

Ayon ito sa pahayag ni Baltazar Tribunalo Jr., incident post commander.

Sinabi ni Tribunalo na posibleng hindi rin marekober ang lahat ng mga natabunan.

Dahil aniya ay sa kapal ng lupa at mga bato na tumambak sa lugar.

Pero ayon kay Tribunalo, sinisikap pa rin nilang pasukin ang bahagi na hindi pa nila nahukay.

Sa kabila na nakakaramdam ang mga rescuers ng paggalaw ng lupa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *