BERTIZ

Airport official, pinabulaanan ang alegasyon ni Cong. Bertiz

Metro News National News

BAGO humarap sa media si Manila International Airport Authority Gen. Manager Ed Monreal ay kaniya munang inimbestigahan ang insidente na naganap.

Kaugnay ito sa kinasasangkutan ni ACTS OFW Party List Rep. John Bertiz nitong weekend sa Ninoy Aquino International Airport.

Naging viral sa social media ang tila pambabastos ng kongresista sa isang security personnel.

Matapos pagsabihan itong hubarin ang sapatos na bahagi ng security protocol ng paliparan.

Paliwanag ni Monreal na siya mismo ang nag-check ng CCTV footages kaugnay sa nasabing insidente.

Ang naturang footages ay mula sa Office of the Transportation Security at MIAA.

Wala itong nakita na Chinese looking individuals na binigyan ng special treatment ng security personnel ng NAIA.

Bagamat nagkausap na si Monreal at Bertiz matapos mangyari ang insidente ay humingi pa ito ng dispensa sa mambabatas.

Kaugnay sa kung anoman ang kanilang naging pagkukulang.

Nilinaw naman ng pamunuan ng MIAA na hindi lisensiya ang mga IDs na binigay sa mga mambabatas.

At iba pang opisyal ng pamahalaan para hindi sumailalim sa security procedures.

Ipinunto ni Monreal na ang protocols na sinusunod ay hindi lang sa NAIA kundi sa buong mundo.

Isang tao lang naman ang itinuturing na VIP ng MIAA at ito ay ang pangulo ng bansa.

Pero nilinaw ni Monreal na kahit kailan hindi nagpatrato bilang VIP ang Pang. Rodrigo Duterte.

Sa ngayon wala namang nakikitang dahilan ang MIAA para tanggalan ng courtesy ID si Bertiz.

 

DWSI864

Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *