USON PCOO

Asec Uson, hindi maaaring tanggalin ng PCOO

National News

HINDI umano maaaring tanggalin ni PCOO Secretary Martin Andanar si Assistant Secretary Mocha Uson.

Aniya, tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang may karapatan na mag-alis kay Uson sa puwesto bilang kaniyang appointing authority.

Ayon kay Andanar, alam ni Uson na ang pangulo lamang ang makapagpapababa sa kaniya sa tungkulin.

Ito ay sa kabila ng mga panawagan ng mga netizens at ilang opisyal ng gobiyerno na magbitiw na ito sa kaniyang puwesto.

Matatandaan na nanawagan si P.I.A. Director General Harold Clavite kay Uson.

Aniya ay magbitiw na si Uson kasunod ng hindi nito pagdalo sa mga plenary deliberations tungkol sa budget ng PCOO.

Subalit binawi ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation 572.

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *