Australian artist

Australian artist, nagpamalas ng kaniyang obra maestra

Business National News

SA panahon natin ngayon, ang sining ay tila nababalot na ng makabagong teknolohiya. (Australian artist)

Kabilang ang film industry o photography sa ilalim ng malakas at malawak na digital era.

Kaya naman, may makikita pa ba tayo ngayon na mga taong nananatili sa tradisyunal na sining partikular na sa larangan ng pagpipinta?

Iba ang Australian artist na nakilala namin na si Ms. Annette Chamber.

Halos dekada na din na nagpamamalas ng kaniyang mga obra maestra sa ibat-ibang dako ng mundo.

Gamit ang makukulay na abstract art, maipapakita dito ang ibat-ibang kwento at emosyon mula sa personal na buhay nito.

At isa ang Pilipinas sa kaniyang tinungo para magbigay ng inspirasyon sa mga kapwa niya pintor, mapabaguhan man o batikan.

Sa kaniyang exhibit dito sa bansa ekslusibo siyang nagpaabot ng kaniyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniyang adhikain.

Adhikain niyang makalikom ng pondo hindi para kumita kundi magbahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Kabilang ang Philippine National School for the Blind sa pakikipagtulungan ng James Mackay Foundation at Road Packer.

Gaya ng ibang artist, naniniwala si Annette na hindi kailanman pwede isantabi ang sining sa bawat isa sa atin.

At ito aniya ang bagay na hindi rin maalis sa kultura ng mga Pinoy.

Kung kaya’t nararapat lamang aniya na pagyamanin ito at sa mga susunod pang henerasyon na darating.

Samantala, inaanyayahan ang lahat ng interesado sa naturang exhibit na bisitahin ito.

Matatagpuan ito sa 4th floor The City Club, Makati Place Alphaland, Makati Ave. extension.

Tatagal ang art exhibit hanggang October 21 ng kasalukuyang taon.

 

DWSI864 

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *