sicurity

China kinansela ang security talks sa Amerika

International News

KINANSELA ng China ang security meeting kay U.S. Secretary of Defense Jim Mattis ngayong Oktubre.

Ayon sa isang U.S. official na tumangging magpakilala ay hindi pa malinaw kung marereschedule ang pagpupulong.

Hindi rin umano malinaw ang dahilan ng pagkansela ng China sa security talks.

Dahil na rin umano sa iilang isyu sa pagitan ng Beijing at Washington.

Isa na dito ay ang pagbebenta ng armas ng US sa Taiwan na itinuturing na teritoryo ng China.

Kasama din ang pangingialam ng Amerika sa isyu ng agawan sa South China Sea.

Kabilang din sa isyu ang nagpapatuloy na trade war ng dalawang bansa.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang US State Department at mga opisyal ng White House.

Wala rin inilabas na pahayag ang China sa isyu.

Maaalalang sa naganap na United Nations Council kamakailan ay inakusahan ni U.S. President Donald Trump ang China.

Ang naturang akusasyon ay walang sapat na ebidensiya.

Aniya, may ginagawang pangingialam ang China sa darating na 2018 midterm elections sa Nobyembre upang impluwensyahan ang opinyon ng publiko.

Itinanggi naman ni Chinese top dilomat Wang Yi ang paratang.

Sinabi ni Yi na hindi nangingialam ang China sa domestic affairs ng ibang bansa.

 

DWSI864

TRISHA MOLINA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *