ROQUE

Malakanyang, iginagalang ang desisyon ng Makati RTC

Metro Manila National News

IGINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148.

Hindi muna maglabas ang korte ng arrest warrant at Hold Departure Order laban kay Senador Antonio Trillanes IV dahil sa kasong rebelyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, desisyon ng korte na ipagpaliban ang ruling kaya iginagalang nila ito.

Nag-ugat ang kaso sa Oakwood mutiny na nangyari noong 2003 kung saan binigyan ng amnestiya si Trillanes ng nakaraang administrasyon.

 

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *